Muling nadakma ang dalawang South Korean fugitives, na tumakas sa kulungan halos tatlong buwan na ang nakalilipas, sa Tarlac City, kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto ang mga dayuhan sa joint operation ng BI intelligence division at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Sabado.

Sinabi ni Morente na ilang impormante ang tumulong sa awtoridad upang matunton ang kinaroroonan ng mga suspek na nalambat sa sorpresang pagsalakay sa kanilang apartment sa Macabulos Street, Barangay San Pablo, Tarlac City.

Kinilala ang mga suspek na sina Park Wangyeol, at Jung Jaeyul, kapwa 38, na halos tatlong buwang nagtago at tumakas mula sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I have instructed our deportation unit to immediate arranged their flight back to Korea so they can be tried and punished for their crimes,” sabi ni Morente.

Ayon sa awtoridad, posibleng miyembro ng sindikato, na may kaugnayan sa gun-for-hire, sina Park at Jung.

Nakuha sa mga suspek ang isang caliber .38 revolver, mga bala, pekeng identification (ID) cards, at mga credit card.

(Jun Ramirez at Mina Navarro)