LINGAYEN, Pangasinan – Kung pinanghihinaan ng loob sa harap ng matitinding problema sa buhay hanggang sa dumating sa puntong naiisip na ang pagpapakamatay, pinakamainam gawin ang magdasal—dahil ang pagkitil sa sariling buhay ay isang napakalaking kasalanan sa Diyos.
Sa Pangasinan, nakapagtala ang pulisya ng dalawang kaso ng suicide sa dalawang lalaki na kapwa umano problemado sa buhay.
Parehong nagbigti ng lubid sa loob ng bahay nitong Linggo sina Johnny Boy Ramos, ng Barangay Pindangan Centro sa Alcala; at Manuel Martinez, ng Bgy. Mestizo, San Carlos City.
Sinasabing nakaaway ni Ramos ang misis dahil sa pera, habang problema naman sa utang ang umano’y nasa likod ng pagpapatiwakal ni Martinez. (Liezle Basa Iñigo)