Nasa 1,166 bilanggo mula sa maximum, medium at minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang naapektuhan ng food poisoning kamakalawa.

Kinumpirma ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, na nasa kritikal na kondisyon ang isang matandang inmate habang 69 na iba pa ang patuloy na nagpapagaling sa NBP Hospital dahil sa pagtatae, pananakit ng tiyan at dehydration.

Ayon kay Aguirre, nasa maayos nang kondisyon ang karamihan sa biktima at nakabalik na sa selda.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Benjamin Delos Santos na hinainan at pinakain ng isang caterer ang mga inmate ng nasabing bilangguan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Makalipas ang ilang oras, sumakit ang tiyan, nagsuka, nagtae at na-dehydrate ang unang 300 bilanggo hanggang sa nakaramdam din ang iba pa.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, nagsasagawa ng sanitary inspection ang BuCor sa caterer na naghanda ng mga pagkain ng inmates.

Samantala, magkakaloob ng P25,000 tulong ang food supplier ng NBP para sa mga apektadong inmate. (BELLA GAMOTEA)