SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang dating overseas Filipino worker (OFW) na pinaniniwalaang may matinding problema, ang iniulat na nagbigti sa ilalim ng punong kawayan sa Purok Happy Valley 1 sa Barangay San Vicente, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay PO3 Hansel Purganan, hindi na umabot nang buhay sa Gilberto Teodoro Hospital sa Camiling si Julius Vigare Dadap, 39, binata, tubong Sta. Rosa, Laguna, na pansamantalang nakatira sa kanyang kaanak sa Bgy. San Vicente sa Santa Ignacia.

Bago nagpakamatay, sinasabing nag-post pa si Dadap sa Facebook: “Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng kunting atensiyon mahal ko, Sorry goodbye, mamimiss ko kayong lahat, pasensiya na po sa lahat, sorry (sic).”

(Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar