Sasalang na sa Hunyo sa matinding pagsasanay ang panibagong grupo ng 82 traffic enforcer ng Maynila bilang bahagi ng reorganisasyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, ito na ang huling batch ng traffic enforcers na bubuo sa bagong MTPB matapos niyang sibakin ang lahat ng 690 tauhan nito noong Nobyembre dahil sa dami ng reklamo ng pangongotong at mga ilegal na gawain.

Ang bawat aplikante ay dumaan sa matinding screening: lahat ay nakapagkolehiyo, may maayos na kalusugan, walang criminal record, at hindi hihigit sa 45 anyos. (Mary Ann Santiago)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist