ANG tuluy-tuloy na pagtaas ng temperatura sa gabi, dulot ng climate change, ay makasasama sa pagtulog ng tao, ayon sa isang pag-aaral—at pinakamaaapektuhan ang mahihirap at matatanda.

“What our study shows is not only that ambient temperature can play a role in disrupting sleep but also that climate change might make the situation worse by driving up rates of sleep loss,” sabi ni Nick Obradovich, na kumumpleto sa malaking bahagi ng pananaliksik bilang doctoral student ng political science sa University of California San Diego.

Sa pag-aaral na inilathala ngayong linggo sa US journal na Science Advances, sinuri ni Obradovich at mga kapwa niya mananaliksik ang mga naging tugon ng 765,000 indibiduwal sa Amerika na nakibahagi sa isang public health survey, kasama na ang datos ng temperatura simula 2002 hanggang 2011.

Natuklasan niyang ang one-degree Celsius na pagtaas sa temperatura sa gabi ay may katumbas na tatlong gabi ng paputul-putol na tulog sa bawat 100 indibiduwal kada buwan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“To put that in perspective: If we had a single month of nightly temperatures averaging one degree Celsius higher than normal, that is equivalent to nine million more nights of insufficient sleep in a month across the population of the United States today, or 110 million extra nights of insufficient sleep annually,” ayon sa pag-aaral.

Ang negatibong epekto ng maalinsangang gabi ay pinakadama tuwing tag-init, natukoy sa pag-aaral. Ito ay tatlong beses na mas mataas tuwing tag-init kumpara sa ibang panahon.

Natukoy din na pinakamatindi ang epekto nito sa mahihirap at sa mga edad 65 pataas.

Para sa matatanda, doble ang epekto nito kaysa mas bata. At para sa maralita, tatlong beses na masama ang epekto nito kumpara sa mayayaman.

Sakaling hindi matugunan ang climate change, ang mas mainit na temperatura ay maaaring magdulot ng anim na karagdagang gabi ng kulang na pagtugon sa kada 100 indibiduwal pagsapit ng 2050 at nasa 14 na karagdagang gabi sa bawat 100 katao sa 2099 sa Amerika, base sa taya ng pag-aaral. (PNA)