JAKARTA, Indonesia (AP) — Isang malakas at mababaw na lindol ang tumama sa probinsiya ng Sulawesi sa Indonesia nitong Lunes ng gabi, na ikinasugat ng tatlong katao at pagkawasak ng ilang gusali at bahay.

Ayon sa U.S. Geological Survey, magnitude 6.8 ang yumanig sa mataong lugar na nasa 79 kilometro (49 milya) timog silangang bahagi ng provincial capital, Palu, na may lalim na 9.1 kilometro (6 milya).

Sinabi ng National Disaster Management Agency na nawasak ang ilang gusali sa Poso, at ilang bahay at simbahan ang naapektuhan sa kalapit na nayon.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na