Abot-kamay na ang libreng edukasyon sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) matapos na aprubahan na sa bicameral conference ang panukala para rito.

Ayon kay Senator Bam Aquino, may akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, magbibigay-daan ito para mas maraming Pilipino ang makatapos ng kolehiyo at makapaghanap ng maayos na trabaho.

Kapag naratipikahan ng dalawang sangay ng Kongreso, ito’y ipadadala sa Malacañang para pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap ng batas. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'