EXCITED na si John Lloyd Cruz sa balik-tambalan nila ni Sarah Geronimo. Bagamat wala pang working title ang Lloydie-Sarah comeback film, sinisigurado ng aktor na ibang-iba ito kumpara sa past movies na ginawa nila.
“Nakakapanibago siya,” bungad ni John Lloyd sa isang panayam, “bago para sa amin ni Sarah and bagong direktor pero ‘yon naman ang dahilan... hindi naman p’wede lahat na lang nakasanayan na lang natin.”
Inaayos pa sa ngayon ng Star Cinema ang busy schedules ng dalawa.
Si Sarah ay isa sa mga voice coach ng The Voice Kids, samantalang si Lloydie naman ay lagare sa Home Sweetie Home at sa sa seryeng La Luna Sangre na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ayon kay Lloydie, hindi pa sila nakakapag-bonding ni Sarah, na karaniwang nangyayari kapag may project sila.
“Nakikita ko lang siya kapag may shooting, nakikita ko siya kapag nagpe-perform siya, pero sa personal I’m still guessing it’s been a while since huling nagsama kami, medyo nagkakapaan pa ulit,” pahayag ni John Lloyd.
Hindi raw biru-biro ang napakahigpit na schedules niya lalo na’t malapit nang umere ang La Luna Sangre. Magkakasama uli sila rito ni Angel Locsin at naging trending topic agad ang teaser ng fantaserye nila.
“Abangan n’yo kasi binigyan ng bagong timpla from Lobo to Imortal, excited ako sa programang ito, ‘yung ngayon mas naka-focus doon sa dalawa,” na ang tinutukoy ni John Lloyd ay ang sikat na sikat na KathNiel love team.
Paalala niya sa fans, abangan ang La Luna Sangre dahil maging siya ay excited sa pilot episode na ipapakita ang throwbck scenes nila ni Angel sa Lobo at Imortal. (ADOR SALUTA)