Patay ang isang barangay chairman matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Abulug, Cagayan kahapon.

Ayon sa report ng Abulug Municipal Police, ang biktima ay kinilalang si Rey Reyes, chairman ng Barangay Pinili sa Abulug.

Sinabi sa ulat ni Senior Insp. Delmar Abuzo, hepe ng Abulug Police, na naglalakad si Reyes kasama ang asawa papunta sa isang kainan nang abangan at pagbabarilin ng suspek.

Bigo naman ang mga saksi na makilala ang salarin dahil nakasuot ito ng helmet at lulan ng motorsiklo.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Ayon sa imbestigayon ng pulisya, nabawi sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng .45 caliber pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Agad na isinugod sa pagamutan si Reyes ngunit hindi na siya umabot nang buhay, habang nakatakas naman ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang suspek at matukoy ang motibo sa pagpatay dito. (Fer Taboy)