Mga Lar Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

3 n.h. – CEU vs Wangs Basketball

5 n.h. – Batangas vs Marinerong Pilipino

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

MATAGAL na nawala sa sidelines, magbabalik muli bilang coach ng baguhang Marinerong Pilipino si coach Koy Banal.

Aminado ang dating coach ng Barako Bull sa PBA na tila balisa siya sa pagbalik bilang bench tactician.

“There’s a bit of rust, but it should not be an excuse,” pahayag ni Banal.

Nakatakda niyang makasama ang kanyang kapatid na si Joel na magsisilbi namang consultant para sa Marinerong Pilipino na magsisimula ang kampanya sa 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon kontra sa koponan ng Batangas sa JCSGO Gym in Cubao.

Makakasagupa niya bilang bench tactician ng Batangas ang dati niyang assistant coach na si Eric Gonzales.

“Coach Eric is a champion coach and more or less, he knows my style. He’s been my assistant for a long time in Arellano and we go way, way back. That’s one thing where my anxiety also roots from and he knows how to lead his team and motivate his players,” ani Banal.

Pangungunahan ang Seafarers ninaAchie Iñigo, Julian Sargent, at ng beteranong si Mark Isip sa pagsagupa nila sa Batangas sa tampok na laro ganap na 5:00 ng hapon.

Aminado naman si Gonzalez na marami siyang natutunan kay Banal na ngayo’y ibinabahagi niya sa kanyang mga players.

“He always told us that the will to win is important but the will to prepare is vital. We’re still a rookie team and coach Koy’s team is built on veterans so we’re just hoping for the best,” aniya.

Pangungunahan naman ang tropa ni Gonzalez nina Joseph Sedurifa at CJ Isit .

Mauuna rito, nakatakda namang sumabak ang Centro Escolar University na nakatakdang gabayan ni coach Yong Garcia kontra sa Wangs Basketball ganap na 3:00 ng hapon. (Marivic Awitan)