BAGHDAD (Reuters) – Aabot sa 20 katao ang namatay sa magkasunod na car bomb sa Baghdad, habang 80 iba pa ang nasugatan sa kasagsagan ng paghahanda sa Ramadan kahapon, ayon sa security forces.

Inako ng Islamic State group ang responsibilidad sa unang pagsabog na ikinamatay ng 13 katao at ikinasugat ng 40 iba pa matapos maghatinggabi (2100 GMT nitong Lunes) sa Karrada district.

Makalipas ang ilang oras, naganap naman ang ikalawang pagsabog na ikinamatay ng pitong katao at ikinasugat ng 38 iba pa malapit sa isang government office sa Karkh district. Walang umako ng responsibilidad sa pagsabog.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na