BONGABON, Nueva Ecija - Umabot sa halos 11 taon ang pagtugis sa isang wanted sa panggagahasa bago siya tuluyang naaresto sa Barangay Camalig sa Meycuayan, Bulacan, sa mauhunt operation ng pinagsanib na puwersa ng Bongabon Police at Meycauayan City Police, nitong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Chief Insp. George Calauad, hepe ng Bongabon Police, naging matagumpay ang pagtutulungan ng mga pulisya ng Bongabon at Meycauayan makaraang makatanggap ng tip tungkol sa pinagtataguan ng suspek na si Generoso Sareno y Garcia, alyas “Amang Sareno”, 52, driver, may asawa, ng Bgy. Sampalukan, Bongabon, Nueva Ecija.
Bukod sa kasong rape, may nakambimbin ding kaso ng theft si Sareno sa isang korte sa Balanga, Bataan.
(Light A. Nolasco)