MAGSISIMULA ang tatlong araw na championship round ng 2017 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Tinaguriang ‘Olympics of Cockfighting’, lumikha muli ng kasaysayan ang World Slasher Cup sa malaking bilang ng mga lumahok simula nitong Huwebes.

“For the last four days, I met many cockers who are familiar faces in provincial cockpits. Foreigners and OFWs are also present,” sambit ni WSC media partner Manny Berbano ng Pitgames Media.

Itinataguyod ang WSC ng Thunderbird at Petron, gayundin ng Filipino-owned company Excellence Poultry and Livestock Specialists.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mula sa 100 kalahok, may kabuuang 40 ang umusad sa 4-cocks finals tangan ang 2, 2.5, 3 at 3.5 puntos. Sunod na maglalaban ang may 4, 4.5 at 5 puntos bukas at sa Miyerkules.

Nangunguna sa mga kwalipikado na may 5 puntos sina Tonton Lim (Lucban), Rep. Patrick Antonio (Sagupaan T2S 500), Aurelio Yee at John Gutierrez (Casa Juan Resort), at Rep. Khulit Alcala (VJA Khulit CC Combine 2 ).

May mga tig 4 puntos naman sina Sebastian NEJ (WSC 1 champion Frank Berin); JMC Fortuna (Mark Calixto); Balete Eco Farm (Emong, Peter Alsosa, Mang Nick); Phoenix BMJ (Mario Villamor, Boy Gamilla); Roan AMV Diamond (Jun Bacolod, Alex Macariola); J.U. San Jose (James Uy, Reymond Calderon); LNF/RCN Power Pack June 17 Cauayan Isabela; Blue Angels (Bel Almojera); Temecula Creek (Arnold Mendoza); at Eman-Akiboy BCP (671 Firebird Uppercut (Carlos Camacho, Jorge Goita).