USAP-USAPAN ng mga katoto ang sikat na aktor na parang hindi na inaasikaso ang sarili dahil halatang-halata na ang edad gayong dati naman siyang baby face tingnan.
“Ano’ng nangyari kay _____ (sikat na aktor), dati naman hindi siya ganu’n, wala naman siyang pimples, pero halata mong hindi na niya inaalagaan ang face niya. Dati laging nagpapa-facial, ngayon parang wala na,” obserbasyon ng katotong madalas na nakakausap ang sikat na aktor.
Baka naman kuntento na ang sikat na aktor sa buhay niya at sa maayos na relasyon nila ng girlfriend niya hinuhulaang makakatuluyan na niya pagdating ng tamang panahon.
Iniintriga naman kasi sa showbiz kapag masyadong vain ang lalaki, pinagdududahan ang gender o may something na itinatago.
“Hindi rin, artista siya kaya dapat alagaan niya ang sarili niya. Ang dami-dami na nga niyang tattoo, eh, hindi pa niya aayusin ang mukha niya,” katwiran sa amin.
Sabagay, may kakilala kami na lalaking-lalaki talaga at may pamilya na, pero laman pa rin lagi ng beauty clinic para magpa-facial at magpa-scrub. (Reggee Bonoan)