Sugatan ang isang 70-anyos na lalaki makaraang salakayin ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang himpilan ng pulisya sa Shariff Aguak sa Maguindanao, nitong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), kinilala ang biktimang si Bualan Munib, 70, may asawa at residente ng Barangay Poblacion sa Shariff Aguak.

Ayon kay MPPO director Senior Supt. Agustin Tello, pinasabugan ng M203 grenade launcher at pinaulanan ng bala ng BIFF ang himpilan sa nasabing lugar ngunit lumagpas ito at tumama sa kabahayan ng mga sibilyan.

Agad namang umatras ang mga rebelde nang gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol