SEA Games bound Kenneth Chua, left, and Lara Posadas cradle their trophies for winning the men’s and women’s Masters titles of the 2017 Philippine International Open Tenpin Bowling Championships recently at the Coronado Lanes-StarMall in Mandaluyong City.

SASABAK ang 12-man Philippine bowling team, sa pangunguna nina Philippine International Open Masters champions Kenneth Chua at Lara Posadas, sa 49th Singapore Open International Bowling Championships.

Sa panayam ng DZSR Sports Radio, ipihayag ni national coach Jojo Canare na naghahanda na ang koponan para sa torneo nakatakdang ganapin sa Hunyo 5-11 sa Temasek Club bowling center.

Ang torneo ay sanctioned ng Asian Bowling Federation at World Bowling Congress.

Maliban kina Chua at Posadas ang iba pang mga Pinoy bowlers na sasabak sa Singapore Open ay sina Liza del Rosario, Krizziah Tabora, Dyan Coronacion, Mades Arles, Alexis Sy, Kevin Cu, Jomar Jumapao, Merwin Tan, JP Macatala, at Anton Alcazarin.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Canare, ang Singapore Open ay magsisilbing bahagi ng paghahanda ng Philippine bowling team para sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto. - Marivic Awitan