Isinusulong ng isang mambabatas mula sa Mindanao na amyendahan ang Cybercrime Prevention Act at ang Revised Penal Code upang pabigatin ang parusa laban pang-aabuso sa social media, kabilang na ang cyber bullying.

Layunin din House Bill 4795 ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na parusahan ang mga may-ari ng dummy account sa gitna ng dumaraming hate speech sa Internet na ang iba ay may kasamang pagbabanta ng pagpatay, pananakit at panggagahasa.

Sa ilalim ng HB 4795, ang mga nagkasala ay maaaring makulong ng 10 taon o magmumulta ng P500,000 o pareho. Kung ang nagkasala ay “a person in authority and/or an agent,” siya ay papatawan din ng habambuhay na diskuwalipikasyon sa sa puwesto sa gobyerno, kanyang propesyon o trabaho. - Yas D. Ocampo

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji