GENEVA (AP) — Sasabak si Stan Wawrinka sa French Open na kumpiyansa matapos pagwagihan ang Geneva Open – pampaganang torneo – kontra Mischa Zverev 4-6, 6-3, 6-3, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Tinuldukan ng top-seeded Wawrinka ang panalo sa impresibong pagbasag sa service play ng karibal.

Ito ang unang titulo ni Wawrinka ngayong season at ika-16 sa kabuuan ng career. Lalaro siya sa Roland Garros bilang No.3 seed at unang makakaharap ang 152nd-ranked na si Josef Kovalik ng Slovakia.

“I would have hated you if you had beaten me in two tournaments,” pahayag ni Wawrinka, patungkol sa kabiguan niya sa karibal sa unang torneo na nilahukan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa edad na 29-anyos, wala pang napagwawagihang torneo si Zverev.

“It was a long week for me.I have never expected to be in a final in a clay-court tournament,” aniya.