Pagbobotohan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang 14 na panukalang batas para sa pagtatag ng mga marine hatchery sa mga munisipalidad sa Quezon, Surigao del Sur, at Albay.

Naniniwala si Senador Cynthia Villar na higit na mapapalakas ang produksiyon ng mga mangingisda sa pagtatag ng mga multi-species marine hatchery, at maisusulong ang aquaculture sa mga lalawigan upang mapasigla ang produksyon ng mga isda at ibang pagkain na nakukuha sa tubig.

“It is not surprising that aquaculture now has an uptrend globally given the dwindling catch from the wild. With the creation of these hatcheries and more in the future, our people are now assured of a source of food,” sabi pa ni Villar. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'