MULING nagningning ang kahusayan nina Davao-pride Bornok Mangosong at Bulacan sweet Sonnie Quiana Reyes sa pagratsada ng Diamond Motor Supercross Series nitong Sabado sa Mx Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.

Mangosong
Mangosong
Hindi rin nagpahuli si Janelle Saulog, ang itinuturing ‘Queen of Motocross’.

Sa kabila ng mahabang panahong pamamahinga, sumagitsit ang 26-anyos na si Saulog para gapiin ang sumisikat na sina Reyes at Jasmin Jap sa Open division ng women’s class.

“No big deal for me. I’m actually rooting for Quiana because I heard that she lost in the 4th leg due to mechanical failure,’’ sambit ni Saulog.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aniya, target niyang makaharap si two-leg winner Pia Gabriel, ngunit hindi lumaro ang matikas na si Gabriel.

“Racing is in my blood, think I’m stuck with the sport. Right now, I want to help my father run a racing series but I still don’t know whether I’ll continue competing,” pahayag ni Saulog.

Hindi naman pinaglagpas ni Reyes ang pagkakataon sa naunang races.

“I’m glad but surprised that Ate Janelle joined the race. I’m very happy with the result,” pahayag ni Quiana, nagwagi sa overall title tangan ang 97 puntos.

Nagwagi rin ang nakababata niyang kapatid na si Wenson, 10, sa kids 85cc at 65cc categories.

Itinataguyod ang karera ng Diamond Motors Corporation, sa pakikipagtulungan ng Dunlop Tires, Dickies, Tireshakk, Yamaha Motor Philippines, Go Pro Philippines, PTT Philippines Corporation, DC Shoes Philippines, Coffee Grounds at Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co.

Sa men’s open, napagwagihan ni Glenn Aguilar ng KTM racing ang unang dalawang leg, ngunit nabigo siyang tapusin ang serye dahilan para maagaw ni Mangosong ang korona.

Nadomina ni Mangosong ng Yamaha ang sumunod na tatlong leg para sa kabuuang 119 overall points.

"Blessed morning for us. The best part of winning is knowing that you have overcome the toughest challenges to achieve victory,” pahayag ni Mangosong, naghahanda rin sa kanyang kasal sa nobyang si Shela Mae sa Hunyo 18 sa Samal Island.

"The sport is growing. The young riders are no longer intimidated,” pahayag ni dating pro rider at ngayo’t organizer na si Sam Tamayo ng generation Congregation and Extreme Adrenaline Sports.