Ni NITZ MIRALLES

INAABANGAN na ng Kapuso fans ang paglabas nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Mulawin vs Ravena bilang sina Pagaspas at Lawiswis respectively. Mahuhusay ang child stars na gumanap na batang Pagaspas at Lawiswis kaya umaasa ang viewers ng fantaserye na masu-sustain nina Miguel at Bianca ang galing na ipinakita ng mga batang version nila.

Miguel at Bianca
Miguel at Bianca
Sabagay, parehong mahusay na artista sina Miguel at Bianca, kaya tiyak na hindi mabibigo ang kanilang fans. Pati nga sa fight scene, sobra ang paghahanda ng dalawa, nag-arnis training sila, harness training at nag-boxing pa si Bianca para talagang nasa kondisyon para mag-aksiyon ang katawan niya.

Pero alam ba ni Bianca na ang isa sa mga inaabangan ng viewers ay makita ang kaseksihan niya na lilitaw sa kanyang costume na kita ang kanyang cleavage?

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

“Grabe naman ‘yan! Ganito talaga ang costume ko, kita ang cleavage at wala akong magagawa roon. Wala akong request na ibahin ang costume ko para matakpan ang cleavage ko. Masaya ako sa costume ko, okay ako sa costume ko at wala akong problema,” reaksiyon ni Bianca.

Kapag lumabas na siya sa bagong fantaserye ng Siyete, tiyak na madadagdagan ang may crush sa kanya dahil hindi lang sexy kundi napakaganda ng 17-year-old Kapuso star. Si James Teng nga na kasama niya sa GMA Artist Center, umamin sa Wowowin na crush siya at marami pa.

Nabaling tuloy ang tanong ng press kay Miguel, hindi ba siya natatakot na baka maagaw sa kanya ng iba si Bianca? Ito ay kung totoong hindi pa niya ito girlfriend.

“Wala naman akong magagawa kung magkagusto siya sa iba. Pero sa ngayon, kampante ako na wala pa sa kanya ang magkaroon ng boyfriend dahil bawal pa siyang magpaligaw. Pareho kaming sa career muna ang focus at ngayon, dito sa Mulawin vs Ravena. Masaya akong maging part uli nito at iba ang feeling na muling gampanan ang binata ng si Pagaspas,” pahayag ni Miguel.

Ikinuwento ni Miguel na nangilabot siya sa first taping day niya na suot ang kumpletong costume ng isang mulawin. Iba ang pakiramdam niya lalo na nang humarap siya sa salamin at makita ang sarili.