May panibagong oil price hike na ipatutupad sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 95 sentimos ang kada litro ng kerosene, 90 sentimos sa diesel, at 60 sentimos sa gasolina.
Ang nakaambang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis as pandaigdigang pamilihan.
Ayon sa DoE, ang bentahan ng diesel ay mula P26.70 hanggang P31.91 kada litro, habang P37.65 hanggang P49.80 sa gasolina.
Mayo 23 huling nagdagdag ng 70 sentimos sa kerosene, 65 sentimos sa gasolina at 60 sentimos sa diesel. - Bella Gamotea