BUMALIKWAS ang Creamline mula sa kabiguan sa dalawang set upang magapi ang Perlas Spikers 25-16, 9-25, 17-25, 25-13, 15-13, nitong Sabado para makausad sa quarterfinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Creamline celebrates during the Premiere Volleyball League against Perlas (MB photos | Rio Leonelle Deluvio)
Creamline celebrates during the Premiere Volleyball League against Perlas (MB photos | Rio Leonelle Deluvio)
Nagpakatatag ang Cool Smashers sa kabuuan ng laban nang matapos makauna sa first frame upang maisalba ang matikas na ratsada ng Perlas sa second at third set ng laban.

“Just smile and believe that you will win,” isiniwalat ni Creamline assistant coach Oliver Almadro.

Bukod dito nagsagawa rin ng adjustment ang Cool Smashers sa kanilang lineup, kung saan ginawa nilang opposite spiker si Jema Galanza at middle blocker naman si Laura Schaudt sa fourth set kung saan nakapuwersa sila ng decider.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I’m just thankful that my teammates trusted me. It was a team win talaga and, at those points, you just want to deliver because you’ve worked so hard for every point,” pahayag ni Alyssa Valdez, tumapos na may 21 puntos na kinabibilangan ng 17 spike, tatlong ace, at isang block.

Dahil sa panalo, posibleng umusad na ang Creamline sa semis sa susunod nilang laban kung magwawagi sila kontra Pocari Sweat sa Martes. Nanguna naman ang Brazilian import na si Rupia Inck sa losing cause ng Perlas sa itinala niyang 19 puntos. - Marivic Awitan