DAVAO CITY – Matagumpay na naidaos ang 2017 Mindanao Children’s Games na nagtampok sa mga kabataang may edad 12-anyos pababa, sa kabila ng pangambang idinulot ng krisis sa Marawi City.
Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na malaking bahagi sa pagiging responsableng mamamayan ang pagbibigay ng edukasyon at sports program sa kabataang Pinoy.
“Study hard so that you reach your dreams, you see new places and learned different languages. Involve yourself in sports to learn discipline and fortify your mind and bodies,” pahayag ni Ramirez.
Iginiit din niya na ang sports ay isang pamamaraan para mapagbigkis ang Pilipino, maging anuman ang kinaanibang relihiyon, pulitika at paniniwala.
“There may be war in other countries and disorder in our own backyard, but though this we show everyone that peace reigns in Davao, in Mindanao,” aniya.
Mahigit 1,000 kabataan mula sa Davao City at karatig na lalawigan ang nakiisa sa Children’s Game – bahagi ng binuhay na Sports for All ng PSC.
Winalis ng Barangay 76-A ang girls’ volleyball, habang pumangalawa ang Barangay Tumugan.
“More than the skills it is developing interest in sports that was more important,” pahayag ni Mohammad Ali Bernan, tournament manager sa volleyball na nilahukan ng 10 barangay.
Sa boys’ 3-on-3 basketball, kampeon ang Baranggay Buhangin nang gapiin ang Barangay Hizon, 18-5.
Nagwagi naman ang Baranggay Bantol, Baguio Proper at Indangan sa larong Pinoy event.
Ipinagkaloob ni Ramirez sa simpleng closing ceremony sa Almendras Recreational Center ang mga premyo sa lahat ng mga nagwagi. Tumanggap din angmga bata ng school supplies at loot bags.
Binuo rin ang Davao Sports for Peace Corps Volunteers Association (DSPCVA) na siyang mangangasiwa sasports development program sa lungsod.