KINAKAILANGANG bigyang kaalaman ang nabibilang sa ibang relihiyon tungkol sa mga Muslim at sa Islam upang maiwasto ang pagkakaunawa ng publiko na ang ugat ng terorismo ay dapat na isisi sa kinabibilangang relihiyon.
Ito ang sinabi ng isang news anchor na taga-Marawi City sa Lanao del Sur.
Ito ang naging panawagan ni Princess Habibah Sarip-Paudac, residente ng Marawi at news anchor para sa PTV-4, sa “Extremism and Martial Law Forum” na ipinalabas sa People’s Television Network (PTV4) nitong Biyernes ng gabi.
“We should help educate non-Muslims about Muslims,” sabi ni Sarip-Paudac.
Emosyonal na sinabi ni Sarip-Paudac na dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa kanyang lungsod ay nahahadlangan ang mga taga-Marawi, kabilang na ang kanyang sarili, sa kagustuhang makapiling ang pamilya sa paggunita ng mga Muslim ng banal na buwan ng Ramadan.
“It’s just so hard for us to welcome Ramadan this way,” sabi niya, idinagdag na sa halip na ang karaniwang mga pananalangin kapag ganitong panahon ang kanilang naririnig, ay nabubulahaw sila sa palitan ng putok ng baril at mga pagsabog.
Sa nasabing forum, sinabi ni Rnajit Rye, propesor sa political science sa University of the Philippines (UP), na walang kinalaman sa relihiyon ang terorismo at marahas na ideyalismo.
“For most Muslims in the world, Islam is practiced as an honorable and peaceful religion. What we’re talking about are fringes. Extremism exists in all religions. The global challenge is how we contain this ideological perspective,” sabi ni Rye.
Sa pagbibigay-diin sa kaibahan ng extremism sa terrorismo, ipinaliwanag ng political analyst na si Ramon Casiple na ipinakikita sa extremism na posible para sa mga tao na magkaroon ng sukdulang pananaw nang hindi kinakailangang maging marahas.
“You hold extreme views but without violence. When it becomes violent, that’s when you can say there is terrorism. What is being talked about doesn’t have anything to do with Islam, actually. But it has become the vehicle,” sabi ni Casiple.
Binigyang-diin din ni Rye kung paanong nakaaapekto ang extremism sa araw-araw na pamumuhay dahil hindi ito naniniwala sa pagtutulungan at pagkakasundo.
“It doesn’t believe in cooperation, tolerance and dialogue. Its basic goal is domination that’s why you cannot contain it, you have to defeat it,” paliwanag pa ni Rye.
Dagdag pa niya, hindi ito isang hamon lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at higit pa sa puwersa ang kinakailangang solusyon dito.
“It has been a challenge that has been with us as a nation and globally, it’s a long-standing challenge that all countries have now. Do we only use a strategy of force to deal with it? Obviously not. Once we accept that there is a deeper reason for this radicalization— the sources are historical, global injustices to our Muslim brothers and sisters—once we see the roots, that’s where we find the solution. The solution should also be radical, beyond the use of force,” dagdag pa ni Rye. - PNA