Arestado ang isang babae sa pambubugbog at tangkang pagpatay sa kanyang kaaway sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kasong attempted murder ang kakaharapin ni Arlene Atienza, ng 473 Baltazar Street, Tondo, matapos niyang pagtangkaang patayin si Alma Castro, 76, ng 1718 F. Varona St.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Ruben Ramos, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Ayon kay Castro, matagal na silang magkaaway ng suspek at madalas din umano siya nitong pagbantaan.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

At nitong Biyernes ng gabi, nagulat na lamang umano si Castro nang dumating si Atienza at siya ay pinagsusuntok hanggang sa mabuwal.

Humingi ng tulong sa barangay ang mga kapitbahay ng biktima at inaresto ang suspek. (Mary Ann Santiago)