YOUNGER brother ni Jennylyn Mercado ang role ni Migo Adecer sa My Love From The Star, kaya marami silang eksenang magkasama. Hindi sigurado si Migo kung napansin ni Jennylyn na sa first few scenes nila together, kinabahan siya.
“I was so nervous during those times kasi isa siya sa judge sa Starstruck 6. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. But she’s a nice person. She treats me well that it was easy to work with her,” sabi ni Migo.
Natsa-challenge si Migo sa karakter niyang si Yuan Chavez dahil may drama scenes sila ni Jennylyn at ni Glydel Mercado na gumaganap na kanilang ina. May scene na nag-aaway silang magkapatid nang hindi niya tanggapin ang ibinibigay nitong pera. Mabuti na lang daw at mas marunong na siyang magsalita ng Tagalog ngayon at Taglish din ang dialogue niya, kaya hindi siya masyadong nahihirapan.
Unang napanood si Migo sa Encantadia bilang si Anthony, pero mas malaki raw ang role niya rito sa My Love From The Star. Masaya siya sa nangyayari sa career niya at bukod sa acting, gumawa rin siya ng album.
“I have my upcoming album under GMA Records, it has five songs and one of the song is in Tagalog. I ‘m a composer, I compose my own music at lahat ng songs sa album, ako ang nag-compose. If not this May, we might launch the album in June, pagtatapos ni Migo.
Bukas na, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena ang pilot ng My Love From The Star mula sa direction ni Bb. Joyce Bernal.
(NITZ MIRALLES)