Nagbigay-pugay kahapon ang Malacañang sa ilang miyembro ng puwersa ng gobyerno na nasawi sa labanan sa Marawi City, Lanao del Sur nitong Martes.

“We take a moment to remember some of the first casualties in the May 23 attacks in Marawi City,” saad sa pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kahapon ng umaga.

Tinukoy sa pahayag ng Palasyo si Marawi City Police Senior Inspector at Intelligence Unit Chief Freddie Manuel Solar, mula sa Baguio City; at sina First Lt. John Carl Morales at Special Forces Marlon Baldovino, kapwa taga-Kabacan, North Cotabato.

“May they rest in peace, and may we be faithful to honor the ultimate sacrifice of their lives in the service of their country,” ani Abella.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa kanyang report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Duterte na may kabuuang 11 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang nasawi sa bakbakan. Sinabi rin niyang may 35 iba pa ang nasugatan. (Argyll Cyrus B. Geducos)