PAULO copy copy

MAY bagong girlfriend na pala si Paulo Avelino, ang Fil-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

May nag-viral na photos ng dalawa na ang caption, nagpi-PDA raw sila. Pero normal lang naman sa magdyowa ang mag-PDA.

Maganda ang girlfriend ni Paulo, bagay silang dalawa. Sana lang matigil ang pagkukumpara sa current GF ni Paulo sa kanyang mga ex. Unfair ito sa mga unang minahal ng aktor.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Samantala, nagsimula nang mag-shooting si Paulo ng pelikulang Goyong sa direksiyon ni Jerrold Tarog at produced ng TBA Studios. Si Direk Jerrold din ang nagdirihe ng Heneral Luna na nagpahayag noon pa na trilogy ang historical films na gagawin – pangalawa nga ang film-bio ni Hen. Gregorio del Pilar at pangatlo ang film-bio naman ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Kasama ni Paulo sa cast ng Goyong sina Ronnie Lazaro, Epi Quizon (continuation siguro ng role niya as Apolinario Mabini sa unang pelikula), Alvin Anson, Mon Confiado, Jason Abalos, Stephanie Sol, Gwen Zamora at marami pang iba.

(NITZ MIRALLES)