Nora at ang may-akda copy

NAGTIPUN-TIPON... nagpulung-pulong... nag-ambag-ambag ang iba’t ibang grupo ng fans ni Nora Aunor na binubuo ng Nora’s Friends Forever ( NEF), International Circle of Online Noranians (ICON) , Grand Alliance of Nora Aunor Philippines (GANAP) , Federation of Nora Aunor Followers, Inc., at ang Solid Group of Forever Noranians para mapasaya at ipagdiwang ni Ate Guy ang kanyang 64th birthday at golden anniversary sa pagiging champion ng Tawag ng Tanghalan na nakatuklas sa kanya.

Masayang-masaya si Ate noong gabi ng kanyang kaarawan, noong nakaraang Linggo, May 21, dahil nandoon din ang ilang malalapit niyang kaibigan sa showbiz press, co-singer na si Ruby “Token” Lizares at lalo na nang dumating ang dalawa niyang anak na sina Matet at Kenneth.

Kasama ni Matet ang kanyang mister at tatlong anak. Hindi na namin inalam kung bakit wala sina Lotlot at mga anak nito, si Kiko at ang kanyang biological son na si Ian de Leon.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sa birthday speech ni Ate Guy, sinabi niya na maraming beses na siyang nadapa o bumagsak pero patuloy pa rin daw siyang bumabangon sa bawat pagkakadapa, sa bawat pagsubok na kanyang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan hanggang ngayon.

“Hangga’t ako’y buhay... lumalaban ako sa bawa’t hamon sa akin ng kapalaran. Hangga’t ako’y may boses pa na ngayon ay ipinapagamot ako ng Dating Daan at ng UNTV, sina Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon at harinawa ay maibalik ang dati kong boses na inyong hinangaan noon, humihingi po ako sa inyo ng dasal na sana nga ay manumbalik uli ang boses na siyang dahilan upang ako ay makilala sa larangan ng musika at pelikula hindi lang po dito sa atin kundi maging sa ibang bansa.

“Nanalangin ako sa ating Poong Maykapal na sana ay bigyan pa niya ako ng lakas ng katawan at isipan upang kayo ay mabigyan ko uli ng kasiyahan sa pamamagitan ng aking boses na inyong unang hinangaan sa akin.

“Maraming salamat sa inyong lahat na mga mahal kong Noranians sa walang sawa n’yong pagmamahal sa akin. Mahal ko kayong lahat... mahal na mahal lalo na ‘yung mga taong talagang nagmamahal sa akin. Marami pong salamat sa inyong lahat.”

Pero kinabukasan, nag-text si Ate Guy kay Yours Truly stating na nilagnat daw siya after the party at iko-confine siya ng Dating Daan at UNTV sa De Los Santos Hospital.

Well, harinawa sa pagkaka-confine niya sa nasabing ospital ay mabalitaan naman naming dinalaw siya ni Ian de Leon at pamilya nito at ni Lotlot with matching dyunakis on the side, tsuk!

Para hindi namin isipin ang saying na... ang ina ay hindi natitiis ang mga anak... pero may mga anak na natitiis ang kanilang ina. ‘Yon lang. (MERCY LEJARDE)