KUMBINSIDO ang panalong itinala ng Far Eastern University kontra National University, 88-77, sa pagpapatuloy ng 2017 Fil-oil Flying V Premier Pretty Season Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Dahil sa panalo, sumalo ang Tamaraws sa liderato ng Group A sa University of the Philippines Fighting Maroons hawak ang barahang 3-0 habang nalasap naman ng Bulldogs ang ikalawang sunod na pagkatalo matapos ang unang tatlong panalo.

“I always tell them that every time we play a UAAP team, that’s the only way we can gauge where we are right now,” ayon kay FEU head coach Olsen Racela. “We still have a lot of things to work on.”

Pinamunuan ni Filipino-Canadian guard RJ Ramirez ang Tamaraws sa itinala nitong 15 puntos na sinundan ni team skipper Ron Dennison na may 12 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Obviously there was more focus now. Siguro dahil UAAP team kalaban namin,” dagdag ni Racela.

Namuno naman si Issa Gaye para sa NU sa ipinoste nitong 14 puntos at siyam na rebound.

Sa iba pang laro, nakabalik naman sa winning track ang Jose Rizal University nang padapain ang University of Perpetual Help, 70-56.

Tumapos na may 19-puntos at 12-puntos ang mga beteranong sina Tey Teodoro at Ervin Gorospe ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Heavy Bombers sa pagsalo sa De La Salle sa pamumuno sa Group B hawak ang 3-1, panalo -talong baraha na nagbaba naman sa Altas sa patas na kartadang 2-2. (Marivic Awitan)