KIM AT XIAN copy

HINDI nga ba matanggap ni Xian Lim ang napakalakas na suporta ng fans sa balik-tambalan ng Kimerald kaya bigla siyang nagpaalam sa kanyang 814k na followers sa Instagram?

“Goodbye for now” ang iniwang mensahe ni Xian para sa kanyang Instagram followers. Siyempre, marami ang nabigla at nagtataka lalo na’t walang inilagay na anumang caption o paliwanag ang actor.

Kung anu-ano tuloy ang naglalabasang espekulasyon. Kesyo nagpatalo raw si Xian sa bashers at haters niya. May nagkomento pang mukhang na-insecure siya na nag-hit muli ang tambala nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Pinag-ussapan kasi nang husto ang balik-tambalan ng dalawa at nato-torture daw yata si Xian sa lakas ng suportang natanggap ng dalawa. Kaya, kaysa isa-isang patulan ang bashers at haters, minarapat na lang daw ni Xian na pansalamantang mamahinga sa social media.

Pero ayon sa isang katoto na malapit kay Xian, wala sa mga nabanggit ang tunay na dahilan. May personal na rason daw si Xian kung bakit nagbabu siya sa Instagram.

“Nagkagulo nga ngayon ang mga solid supporters ni Xian at clueless sila kung bakit nag-post si Xian ng ganu’ng mensahe sa Instagram account niya,” sey ng aming kasamahan sa panulat.

May pinagdaanan lang daw si Xian ngayon. Pero sana raw ay maantig ang actor sa mga komento ng kanyang loyal fans na labis nag-aalala sa kanya.

“Sobra kaming nag-aalala sa ‘yo... hayan, umiiyak na naman marami mong fans kabilang na kami dito mga solid fans mo sa KSA. Ano nangyayari? Sobra kaming nag-aalala sa ‘yo. Pls. don’t do this to us. Anuman ‘yan, andito naman kami nagmamahal sa iyo ng buong puso,” komento/mensahe ng isang nagmamahal na tagahanga ni Xian Lim. (JIMI ESCALA)