volleyball copy

Mga Laro Ngayon

(Fil -oil Flying V Centre)

1 n.h.– Sta. Elena vs Army (men’s)

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

4 n.h. -- Pocari Sweat vs Air Force (women’s)

6:30 n.h. – Perlas vs Creamline

MAGTATANGKA ang defending champion Pocari Sweat na makabawi mula sa masaklap na pagtatapos sa eliminations habang hangad naman ng Creamline na gawing matatag ang naging rollercoaster campaign sa pagsabak nila ngayon sa quarterfinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan

Nabigo ang Lady Warriors sa huling dalawang laban sa double-round elims na naging daan sa pagkatalo nila sa Power Smashers sa tiebreak para sa ikalawa at huling outright semifinal berth.

Makakasagupa nila sa 4:00 ng hapon ang Air Force Jet Spikers na tumalo sa kanila sa pagtatapos ng eliminations noong Huwebes, 25-19, 24-26, 25-27, 25-21, 15-6, para harangin ang tangka nilang pagsalta ng diretso sa semis.

Umaasa ang Pocari na makakabalik ang local ace na si Myla Pablo at mapunan ang nabakanteng posisyon ni import Edina Srlimovic na nagtamo ng hamstring injury.

Tatangkain mama ng Creamline na makaulit ng panalo kontra Perlas sa muli nilang pagtatapat ganap na 6:30 ng gabi.

Ang quartefinals ay isang single round robin kung saan ang mangungunang dalawang koponan ay makakasama ng Balipure at ng Power Smashers sa semifinals.

Inaasahan ng Creamline na magiging buwelo nila ang huling panalo kontra Perlas sa pangunguna ni Alyssa Valdez at reinforcement na sina Kuttika Kaewpin at Laura Schaudt.

Magtatangka namang bumawi ng Perlas Spikers sa pamumuno ni power-hitting Rupia Inck at mga local aces Amy Ahomiro, Kathy Bersola, Amanda Villanueva, many-time league MVP Sue Roces, Diana Carlos, Nicole Tiamzon at Japanese setter Naoko Hashimoto. (Marivic Awitan)