BANI, Pangasinan - Dalawang katao, kabilang ang isang barangay kagawad, ang inaresto kahapon sa magkahiwalay na lugar sa Bani, Pangasinan.

Kinilala ang nadakip na si Gerry Nacarion, 57, incumbent kagawad sa Barangay Tiep, na nakumpiskahan ng isang shotgun, 14 na bala ng shotgun, at 16 na bala ng .5.56 caliber.

Bandang 5:30 ng umaga kahapon nang madakip ang kagawad sa bisa ng search warrant.

Samantala, illegal possession of firearms din ang kahaharaping kaso ni Rodolfo Fernandez, 40, ng Bgy. Dacap Norte, makaraang makumpiskahan ng isang homemade shotgun, apat na bala ng .38 caliber revolver, at isang bala ng .45 caliber pistol. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis