Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na dapat magtipon ang dalawang kapulungan ng Kongreso para pag-aralan ang pagpapatupad ng Martial Law sa buong Mindanao bilang tugon sa krisis ng terorismo sa Marawi City.

Ito ang panawagan ni Hontiveros matapos magpahayag nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na ito kailangan dahil mayorya ng mga mambabatas ay pabor sa deklarasyon.

“With all due respect to the leaders of the two chambers of the legislature, but how can we get the exact sense of the majority of the lawmakers if we don’t convene in a joint session? I hope the legislature is not taking the declaration of martial law lightly,” ani Hontiveros.

Sumasang-ayon dito si Sen. Francis Pangilinan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dakong 10:26 ng gabi ng Miyerkules, nakarating sa tanggapan ni Speaker Alvarez ang kopya ng Proclamation No. 216, na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara sa martial law at suspensiyon ng privilege of the writ of habeas corpus sa buong Mindanao.

Sa ilalim ng Konstitusyon, mayroong 48 oras ang Pangulo mula sa deklarasyon ng martial law para mag-ulat sa Kongreso – maaari niya itong isagawa nang personal o sa pamamagitan ng isang liham.

“Ngayon, kung ito ay i-report niya personally, we have to convene Congress para tanggapin at pakinggan yung kanyang report. Pero kung ito ay gagawin niya in writing, hindi na kailangan na mag-convene kami agad-agad, unless mayroong desisyon yung mga miyembro na kailangang mag-convene kami at pag-usapan yung kanyang report,” paliwanag ng Speaker.

(Leonel M. Abasola at Bert De Guzman)