LUIS AT JESSY copy

DAHIL sa walang humpay na pang-iintriga sa kanya lalo na sa social media, muntik nang umalis si Jessy Mendiola sa showbiz.

Kaysa dumami pa ang masasakit na panglalait na nadadamay pati mga mahal niya sa buhay, naisip daw ni Jessy na talikuran na ang mundo ng pelikula at telebisyon.

Naawa na raw siya noon sa boyfriend niyang si Luis Manzano dahil ito ang sumasapo sa mga lait at bira sa kanya sa social media. Pakiramdam ni Jessy, nabibira si Luis dahil sa kanya.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Pero pinayuhan siya ni Johnny “Mr. M” Manahan at ni Luis mismo kaya hindi natuloy ang pagku-quit niya sa showbiz.

Sabi raw ni Mr. M, marami na raw naman siyang napatunayan sa kanyang pag-aartista kaya hindi siya dapat sumuko.

“Stay, never quit” naman daw ang sabi ni Luis sa kanya.

Dagdag pa ni Jessy, simula nang maging karelasyon niya si Luis Manzano ay parang may kung anong puwerssang nanggaling sa kung saan na sabay-sabay nagsanib-puwersa at gusto siyang pabagsakin.

Knows naman ni Jessy na naging nega ang dating niya sa ilan at pati ang mga ipino-post niyang mga litrato na may kung anu-anong caption at wala naman siyang ibig sabihin ay nabigyan ng mga maling interpretasyon at pinagpistahan sa kanegahan.

Pati na sa pagkakasama ng pangalan niya sa mga pinagpiliang gaganap sa Darna ay marami ang kumontra. Hindi raw siya bagay maging Darna at kung meron man daw role na babagayan kay Jessy sa Darna, ito ay ang pagiging isa sa mga kontrabida.

Ang role daw na bagay kay Jessy ay ang Babaeng Tuod, isa sa kalaban ni Darna. (JIMI ESCALA)