MINYA, Egypt (Reuters) — Nagpakawala nitong Biyernes ng fighter jets ang Egypt sa mga kampo sa Libya na, ayon sa Cairo, nagsasanay ng mga militante na pumatay sa dose-dosenang Kristiyano kamakailan.
Ayon kay President Abdel Fattah al-Sisi, ipinag-utos niya ang strike laban sa tinawag niyang kampo ng mga terorista.
Sinabi ng Egyptian military sources na anim na strike ang isinagawa malapit sa Derna, sa silangang Libya, sa paglubog ng araw, ilang oras matapos atakehin ng mga nakamaskarang armado ang isang grupo ng Coptic Christians na bumibiyahe sa isang monastery sa katimogang Egypt, aabot sa 29 ang nasawi at 24 ang nasugatan.
“The terrorist incident that took place today will not pass unnoticed,” ani Sisi. “We are currently targeting the camps where the terrorists are trained.” dagdag niya.
Sinabi niya na hindi magdadalawang isip ang Egypt na ipagpatuloy ang airstrike sa mga kampo kung saan sinasanay ang mga tao na maglunsad ng operasyon laban sa Egypt, nasa labas man o loob ng bansa ang mga kampo.
Ayon sa East Libyan forces, nakiisa sila sa airstrikes, na pumuntirya ng grupong iniuugnay sa al-Qaida, at susundan ng ground operation.