Nais ng isang mambabatas na magtatag ng isang Tourism Development Authority upang makatulong sa paghimok sa mga turista na bumisita sa bansa.

Ayon kay Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, chairperson ng House committee on tourism, tinatalakay nila ngayon ang panukalang lilikha sa Limasawa Tourism Development Authority (LTDA) upang maideklara ang ilang lugar sa Palawan at Nueva Ecija bilang tourist destinations.

Ipadedeklara rin bilang tourist spots ang Sagrada Familia caves, Mt. Tapulao at Mt. Pinatubo sa Zambales bilang ecotourism zones; ang Misamis Oriental at Lanao del Norte bilang tourism development areas; at ang Guinsaugon eco-adventure park sa Southern Leyte, para gawing Guinsaugon Eco-Adventure National Park. (Bert de Guzman)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?