angel 2 copy

NASAKSIHAN na noong nakaraang linggo ang bersiyon ng inang si Idai (Dimples Romana) na nawalan ng anak. Ngayong gabi, ilalahad naman ng inaakusakang kidnapper na si Roma Tarub o mas kilala bilang Samina (Angel Locsin) ang kanyang kuwento sa ikalawang bahagi ng espesyal na two-part episode ng Maalaala Mo Kaya.

Bago pa pumasok si Topher sa buhay ni Samina ay tila walang direksiyon ang buhay niya. Saksi rito ang kanyang kapatid na si Aisah (Jane Oineza) na laging nadadawit at kung minsan ay sumasalo sa mga kalokohan niya. Gayunpaman, mahal na mahal ni Aisah ang kanyang nakatatandang kapatid.

Nagkahiwalay ang landas nilang dalawa nang lumaki sila at bumuo ng kani-kaniyang pamilya. Matapang na nakipagsapalaran sa Divisoria si Samina bilang street vendor samantalang nanatili naman si Aisah sa Lanao sa piling ng limang anak.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Pagkaraan ng ilang taon, hindi inaasahang nagkita ang dalawa sa isang napakakumplikadong sitwasyon, kasama ni Aisah ang driver ng mayor habang naghihintay naman si Samina kay Idai, ang nanay ng napulot niyang batang si Topher o Brombrom (Yñigo Delen) sa Divisoria.

Ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo? Masangkot kayang muli si Aisah sa kaguluhan ng mundo ni Samina? Paano nga ba napunta sa kanya si Brombrom?

Makakasama nina Angel, Dimples at Jane sa upcoming episode sina Raine Salamante, Yesha Camile, Karen Timbol, JM Gacayan, Miguel Vergara, Alex Medina, Nikka Valencia, at Mara Lopez mula sa panulan nina Benson Logronio at Arah Badayos at direksiyon ni Dado Lumibao.