BAMBAN, Tarlac - Natigmak ng sariwang dugo ang highway sa Barangay San Nicolas sa Bamban, Tarlac nang aksidenteng masagasaan ng isang pampasaherong bus ang isang lalaking galing sa inuman bago sumalpok sa isang van, na ikinamatay ng dalawang katao.

Nasawi sina Arjay Vergonia Maristela, 17, ng Bgy. Dela Cruz, Bamban; at Gerry Capulong, 67, driver ng van (NWQ-586), at taga-Bgy. Makinabang, Baliuag, Bulacan.

Sugatan naman ang mga pasahero ni Capulong na sina Michelle La Marka, 30, may asawa; Kalzer DK Capulong, 9; at Mizrain Joaquin Domapay, 20, pawang ng Bgy. Makinabang sa Baliuag.

Ayon sa imbestigasyon, madaling araw ng Mayo 22 at nakikipag-inuman si Maristela sa Roivan videoke bar sa Bgy. San Nicolas nang bigla siyang lumabas sa highway at nabundol ng Universal Guiding Star bus (TXV-882).

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Nataranta ang driver ng bus na si Eveniser Jacinto, 41, hanggang sa masalpok ang van ni Capulong. (Leandro Alborote)