WASHINGTON (AP, Reuters) – Pinuri ni President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte sa “unbelievable job” sa paglaban sa illegal drugs na ikinamatay na ng libu-libong katao at umani ng mga pagbatikos mula sa mga mambabatas ng Amerika, ayon sa nag-leak na transcript ng kanilang pag-uusap sa telepono nitong nakaraang buwan.
Ang transcript ng pagtawag noong Abril 29 ay unang ipinaskil ng The Washington Post. Markado itong”confidential” at nakalagay sa ilalim ng cover sheet ng Department of Foreign Affairs (DFA). Hindi pa beneberipika ng Malacañang o ng White House ang transcript, ngunit hindi rin pinasisinungalingan ang mga nilalaman nito.
“I just want to congratulate you because I am hearing of the unbelievable job on the drug problem,” sinabi ni Trump sa tawag sa telepono, ayon sa transcript. “Many countries have the problem, we have a problem, but what a great job you are doing and I just wanted to call and tell you that.”
Sumagot si Duterte na ang droga ay “scourge” ng kanyang bansa. At tumugon si Trump na, “I think we had a previous president who did not understand that.”
Sa isang hindi pangkaraniwang pagsisiwalat sa mga galaw ng U.S. military assets, ibinunyag ni Trump kay Duterte na mayroong dalawang nuclear submarine ang US sa rehiyon, iniulat ng New York Times.
“We have two submarines — the best in the world. We have two nuclear submarines, not that we want to use them at all,” diumano’y sinabi ni Trump kay Duterte, batay sa transcript.