Patay ang isang lalaki habang dalawa pa ang nasugatan makaraang ibangga ng driver ang minamaneho niyang Mitsubishi Strada pick-up sa welcome marker ng Aurora, Isabela sa national highway sa Barangay Saranay, Aurora, Isabela.
Sinabi ni Senior Insp. Melvin delos Santos, hepe ng Aurora Police, na lasing ang driver na si AJ Baligad, ng Del Pilar Purok 2 Cabatuan nang bumangga ang minamaneho nito sa marker dakong 8:40 ng gabi nitong Miyerkules.
Isinugod sa ospital sina Baligad, Dennis Cayetano, at Victor Fernan, 13, kapwa ng Muntinlupa City, subalit dead on arrival si Cayetano. (Liezle Basa Iñigo)