Muling nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa taumbayan na huwag magpakalat ng maling impormasyon, sa gitna ng kasalukuyang krisis sa Marawi City.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi ito makakatulong at sa halip ay makapagpapalala lamang sa sitwasyon.

Ipinahayag ito ni Carlos matapos kumalat ang isang mensahe sa social media na umano’y galing sa Red Cross Ph.

Sa nasabing mensahe, pinag-iingat at pinaiiwas ang publiko sa mga mall sa Maynila dahil mayroon umanong apat na babae, na galing Basilan, na nagpaplanong pasabugin ang mga mall. Nakasaad din sa mensahe na ito ay kinumpirma ng mga tauhan ni Director General Ronald dela Rosa, ngunit mariin itong pinabulaaanan ng PNP. (Fer Taboy)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon