Ang pagsisikap ng gobyerno na matamo ang kapayapaan sa mga komunistang rebelde ay may kasama nang imbitasyon para maghapunan sa bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na itigil na ang pag-atake sa mga tropa ng gobyerno at inimbitahan silang maghapunan sa kanyang tahanan.

“Kayong sa mga NPA and those in the boondocks, you can come down and have dinner with me in my house, as long as we stop fighting,” sabi ng Pangulo sa press conference sa pagdating niya mula sa Russia.

Ngunit kapag tumanggi ang NPA na ibaba ang kanilang mga armas, nagbabala ang Pangulo na hindi lalagda ang gobyerno sa anumang kasunduang pangkapayapaan sa mga komunistang rebelde.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Duterte na ayaw niyang maglaban-laban ang mga kapwa Pilipino ngunit mapipilitan siyang makipagdigma kapag patuloy na inatake ng mga rebelde ang mga tropa ng pamahalaan at mahahalagang instalasyon.

“What do you want, another 50 years of fighting? I do not want it. I hate killing Filipinos,” aniya. “But do not give me no option because we are prepared, government is to wage war for another 50 years, or at least during my term.”

Inaasahang magdadaos ang gobyerno at ang mga komunistang negosyador ng isa pang serye ng mga usapang pangkapayapaan sa Netherlands ngayong linggo para talakayin ang panukalang bilateral ceasefire at socio-economic reform agenda.

(Genalyn D. Kabiling)