Pinangunahan kahapon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa para sa mga bihag ng Maute Group sa Marawi City.

Nagpaabot din ng panalangin ang Pontificio Collegio Filipino sa Roma, para sa mamamayan ng Marawi.

Ayon kay Father Greg Gaston, rector ng paaralan, nag-alay ng Banal na Misa ang mga Pilipinong Pari sa Roma para sa kaligtasan ng mga bihag, kabilang na si Father Chito Suganob.

“Ipinagdadasal namin at kaninang umaga din dito [oras sa Roma] nagmisa rito si Cardinal Chito Tagle at sabi niya nga, ayan si Father Chito at ngayon din ay fiesta [sa Marawi] at nakakaantig kung iisipin natin mga [inosente] dun wala namang ginagawa, nagdadasal pa nga,” pahayag ni Gaston sa panayam sa Radyo Veritas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Gaston na ang pananalig sa Panginoon ang magdadala ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang pananampalataya.

Kaugnay nito, nanawagan ang isang obispo na panatilihin ang pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin dela Peña, dapat tanggapin ng lahat ang pagsubok, huwag sumuko at umasang tutulungan tayo ng Panginoon.

“Let’s accept these trials but let’s not give up and we continue to rely on the help of the Our Lady,” aniya. “To those who are afraid, we just hang on to our faith and also keep you safe.” (Mary Ann Santiago)