DIREK ERIK AT ANNE copy copy

DINAGDAGAN ang gulo sa Marawi City ng pagmumurahan ni Direk Erik Matti at ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte sa social media.

Minura kasi ni Direk Erik ang supporters ni Pres. Rody at tuwiran nitong tinukoy, “Sa lahat ng bumoto kay Duterte noong May 2016 elections.”

Inulit ni Direk Erik ang tweet at post sa Facebook: “In case you haven’t read my tweets before, I’ll say it again: Sa lahat ng bumoto, p_tang _na n’yo! Isa pa: P_tang in_ n’yo.”

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

May kinalaman sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Duterte sa Mindanao ang galit at pagmumura ni Direk Erik.

Kaya lang, mas marami ang gumanti ng pagmumura rin sa kanya.

May nagbanta pang iboboykot ang mga susunod na pelikula ni Direk Erik kabilang ang Buy Bust ni Anne Curtis.

Damay rin dito ang gagawing pelikula ni Jennylyn Mercado sa Reality Entertainment na sisimulan na ang shooting next month. (NITZ MIRALLES)