katy copy copy

TATANGGAP si Katy Perry ng $25 milyon bilang judge ng nagbabalik na American Idol.

Ang pop superstar ang unang sikat na personalidad na lumagda nitong nakaraang linggo para makasama sa bagong panel, nang kumpirmahin ng ABC ang mga ulat na kasama siya sa show sa kanilang 2017 Upfront Presentation sa New York.

Lumutang ang mga bagong detalye sa kontrata ni Katy at sinabi ng ilang sources sa TMZ.com na most lucrative contract sa isang American Idol ang ibinigay sa kanya, sa pagmamadali ng mga producer na makakuha ng malalaking pangalan bago ang Upfront announcement.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Katy had all the leverage,” sabi ng isang insider. “If ABC ended up announcing the show without a judge, they’d be screwed.”

Sinabi ng sources na kabilang si Jennifer Lopez, sa mga magbabalik na panelists para sa final run ng show sa Fox network noong nakaraang taon, at kumita ng $15 milyon kada season, gayundin ang dating host na si Ryan Seacrest, na sinasabing kinakausap na para magbalik bilang presenter.

Lumutang ang pangalan ni Katy ilang araw matapos gulatin ng unang Idol winner na si Kelly Clarkson ang industry experts sa pag-urong niya sa mga pag-uusap para magbalik sa show bilang judge, at sa halip ay lumagda bilang coach sa karibal na palabas, ang The Voice.

Ang dating Idol finalist na si Chris Daughtry ang napapabalita ngayon na makakasama ni Katy sa bagong show sa pagbabalik nito sa huling bahagi ng taon. Sinasabing nasa negosasyon na rin series champ na si Carrie Underwood para kumpletuhin ang panel.

Samantala, inamin ni Keith Urban, naging judge kasama si J.Lo sa last run ng show, na wala siyang ideya kung babalik pa siya: “I have no idea who’s coming back,” aniya nang lumabas sa The Graham Norton Show sa U.K. “I don’t even know if I am coming back.” (Cover Media)