JENNYLYN AT GIL copy

HOW true, kabado sa malakas na makakatapat ang mga taong nasa likod ng programang My Love From The Star ng GMA-7 na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva?

Sa Lunes (Mayo 29) ang pilot ng nasabing programa na makatapat ng My Dear Heart na umaabot sa 32.1% ang ratings kumpara sa katapat nitong Destined To Be Yours na 17.7% at mamaalam na ngayong gabi kaya papalitan ng serye nila Jen at Gil.

Bagamat malapit na ring matapos ang My Dear Heart, hindi na ito bibitawan ng mga manonood na inaabangan kung gagaling si Heart (Nayomi Ramos) at magkakabalikan ang mga magulang niyang sina Dra. Guia (Ria Atayde) at Jude (Zanjoe Marudo).

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Sinusubaybayan din kung ano ang mangyayari kay Clara (Bela Padilla) kung sakali ngang magkabalikan ang parents ni Heart.

Higit sa lahat, inaabangan kung ano ang mangyayari kay Dr. Francis (Eric Quizon) na kinamumuhian ng lahat sa pagiging kontrabida.

Samantala, may taga-GMA na nagtanong sa amin kung, “Anong ipapalit sa My Dear Heart? ‘Yung KathNiel ba, ‘yung La Luna Sangre?”

Sinagot namin ng, ‘Hindi pa namin alam, wala pa kasing press releases.’

“Naku, ‘pag iyon ang kapalit, lagot ang My Love From The Star, ha-ha-ha,” say sa amin.

Hayan ang saktong usapan namin.

Hmmm, kaya pala nabanggit nu’ng TV executive na nakausap namin kamakailan na sana nga mag-rate ang shows nila.

Kasi pala, malaki at mabigat ang makakatapat nilang serye ng ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)