PHNOM PENH (Reuters) – Muling nagbabala si Cambodian Prime Minister Hun Sen nitong Huwebes na maaaring sumiklab ang digmaan sa bansa kapag natalo ang kanyang partidong Cambodian People’s Party (CPP) sa local elections sa susunod na buwan.

Sa kanyang tatlong oras na talumpati sa Christian community ng Cambodia sa Phnom Penh, sinabi ni Hun Sen, sumumpang mananatili matapos ang mahigit tatlong dekada sa kapangyarihan, na ang panalo ng oposisyon ay maaaring mauwi sa pagdanak ng dugo kapag tinarget ng mga kritiko ang kanyang pamilya.

“War will happen if the CPP loses control,” sabi ng diktador. “No guns are needed to cause war ... words can cause war if the CPP loses patience and go to your homes and burn down your homes.”
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'